Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 durugista nabulaga sa PDEA

0 104

Nawala ang tama ng apat na durugista nang matunugang mga taga-Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang kaharap nila sa buy-bust operation sa Quezon City, nitong Huwebes ng tanghali.

Sa report ni PDEA NCR Director Christian Frivaldo kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang mga nadakip ay sina Marco Magbanua, 38, na siyang target ng operasyon, ng Brgy Baesa; Regelio Sus Jr., 47; Rommel Bustamante, 50, at Benjielito Comedor, 53, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat, ika-2:15 ng hapon nang isagawa ang drug operation sa harap ng bahay ni Magbanua.

SM food to go Banner Ad

Isang ahente ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.

Nakumpiska sa apat ang 15 gramo na shabu na nagkakahalagang P102,000, iba’t-ibang drug paraphernalia at P500 buy-bust money. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.