Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 ex-rebel kinumpirmang galamay ng NPA ang Makabayan bloc

0 181

Kinumpirma ng mga dating matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na ang mga mamababatas ng Makabayan Bloc o “KABAG” (Kabataan, Anakbayan, Bayan Muna, ACT, Gabriela) ay mga opisyal din ng CPP-NPA-NDF.

Sinabi ni dating CPP official Jeffrey Celis alias “Ka Eric” sa balitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) na sina Neri Colmenares, Satur Ocampo, Liza Masa at Teddy Casiño ng Makabayan Bloc ay kasapi rin ng CPP-NPA-NDF, at ito raw ay kaya niyang patunayan dahil lagi silang nagkikita ng mga KABAG na mambabatas sa mga Regional Committee meeting ng CPP-NPA-NDF.

Mayroon daw tatlong klase ng meeting ang CPP-NPA-NDF. “Kapag nagmeeting na may tinatawag kaming L1, L2 at L3 meetings. Kapag L1, Level 1… open meeting iyon, may mga masa. Kapag L2 o Level 2, underground meeting iyon. Kapag Level 3, (CPP) party meeting iyon,” ang sabi ni Celiz., at kinumpirma pa nito na sa mga meeting na yun nakikita niya ang mga miyembro ng Makabayan Bloc.

Mayroon daw tatlong klase ng meeting ang CPP-NPA-NDF. “Kapag nagmeeting na may tinatawag kaming L1, L2 at L3 meetings. Kapag L1 o Level 1, open meeting iyon, may mga masa. Kapag L2 o Level 2, underground meeting iyon. Kapag Level 3, (CPP) party meeting iyon,” ang sabi ni Celiz, at kinumpirma pa nito na sa mga meeting na yun nakikita niya ang mga miyembro ng Makabayan Bloc.

Dagdag pa ni Celiz, mahalaga para sa komunistang-teroristang samahan ang Partylist representations Ang tawag umano sa kanilang style ay Urban Operations and Bureaucratic Infiltration.

Binahagi naman ni Alma Gabin, dating Education Deputy Secretary ng Eastern Visayas Regional Party Committee at founding member pa ng Kabataan Partylist na ang mismong nag-recruit sa kanya ay siya ring nagpasumpa sa kanya hindi bilang kasapi ng Kabataan Party kundi ay bilang CPP-NPA-NDF member na.

Si Ariane Jane Ramos na bagong suko lamang bilang Secretary ng Guerilla Front 55, Sub-Regional Committee 5, Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), at dating Chairperson ng Gabriela Youth, ng University of the Philippines sa Mindanao, ay nagsiwalat na maikling panahon lang ang ginugol niya sa ‘urban operations’ dahil namundok na agad sila bilang NPA fighter.

Sa parte naman ni Joy Saguino aka Ka Amihan, dating Secretary ng Guerilla Front 20, Sub-Regional Committee 1, SMR at dating youth at student organizer ng Anakbayan at Kabataan Partylists, ang Makabayan Bloc raw ang nagkukubli ng mga urban at rural operations ng CPP-NPA-NDF gaya ng mga ginawa ng Salugpungan, Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. (MISFI) at mga Lumad schools. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.