Abante Tonite Interactive

4 galamay ng Abu Sayyaf todas sa Tawi-Tawi

126

Apat na miyembro ng Abu Sayyaf ang nasawi nang makasagupa ang mga tropa ng pamahalaan sa Tawi-Tawi, Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Wesmincom), dakong alas-singko ng madaling-araw nang matiyempuhan ng pinagsamang puwersa ng Marine Battalion Landing Team 6 at 64th Marine Company na nagsasagawa ng military operation sa Brgy. Lakit-Lakit, sa bayan ng Sapa-Sapa ang tinatayang 10 miyembro ng Abu Sayyaf.

Sumiklab ang sagupaan na nagresulta sa pagkamatay ng apat na mga suspek habang isang sundalo ang sugatan.

Kinilala ang mga nasawing miyembro ng Abu Sayyaf na sina Oyong Maulana, Datu Solon Maulana, Rashida Maulana, at Nhadz Omar. (Edwin Balasa)