Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 game bawat araw – Marcial

0 74

Pinanatili ang format pero dagdagan na lang ang mga laro bawat araw at linggo kapag muling nagbukas ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup eliminations sa ilalim ng ‘new normal’.

Ito ang nabatid nitong Huwebes kay PBA Commissioner Willie Marcial sa planong balik ng pro league sa gitna ng Oktubre makaraang matigil noong Marso dahil sa COVID-19.

“Ganun pa rin, dadamihan na ang game days, four or five times a week, at ang double baka maging triple header per day. Hindi na babaguhin ang format,” wika ng opisyal.

Hinirit ni Marcial na nakaplano na ang lahat sa pakikipagtulungan ni deputy commissioner Eric Castro. Pero kailangang aprobahan pa rin ang plano niyasa susunod na linggong PBA Board meeting. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.