Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 ginang, 3 kelot timbog sa Cavite buy-bust

0 57

Swak sa kulungan ang apat na kababaihan at tatlong kalalakihan nang maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite, Linggo ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Vilma Labarda alyas ‘Bing’, 51, dalaga; at Mary Ruth Loreno alyas ‘Sally’, 53-anyos, dalaga, kapwa residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City; Rowena Bañares alyas ‘Weng’, 52, ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City; at Liza Kennedy, 42, ng Brgy. Sampaloc, Dasmariñas City.

Sina Labarda at Loreno ay inaresto alas-2:00 kamakalawa ng hapon matapos makipagtransaksi­yon umano sa isang poseur buyer sa Brgy. Cabuco na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto at pag­kakasamsam ng sachet ng hinihi­nalang shabu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi rin akalain ni Bañares na pulis ang kanyang kausap nang ilatag niya umano ang sachet ng hinihinalang shabu dakong alas-3:00 ng hapon sa Brgy. San Fran­cisco. Kasama ni Bañares ang isang Romeo Manimtim, 41, na dinakip din sa nasabing buy-bust.

Samantala, hindi rin nakapalag nang posasan si Kennedy at dalawa pang kasama na sina Christopher Cantalejo, 44, at Jomar Paguntalan nang maaresto sa operasyon ng Dasmariñas City Police alas-6:00 ng gabi sa Brgy. Sampaloc 1, kung saan narekober ang limang sachet ng umano’y shabu. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.