Abante Tonite Interactive

4 gold binira ng PH arnis

0 144

Huling ikinasa ang arnis sa SEA Games noong 2005, nang maging host ang Pilipinas.

Makalipas ang 14 years, punong abala muli ang bansa ng biennial meet at muli ring ibinalik ang kumpetisyon.

At sa unang araw ng paluan, winalis ng men’s team ang apat na gold sa arnis livestick.

Inumpisahan ni Dexler Bolambao ang ratsada nang kalusin si Paing Soc ng Myanmar via unanimous decision sa bantamweight division.

Sinundan ito ng panalo ni Nino Mark Talledo kay Vu Van Kien ng Vietnam sa featherweight, at ang dominasyon ni Villardo Cunamay sa mas malaking si Yong Mengly ng Cambodia sa lightweight division.

Kinumpleto ni team captain Mike Banares ang sweep nang ungusan si Phu Thai ng Vietnam via unanimous decision sa welterweight division. (VE)