Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 importer, broker swak sa smuggling

0 57

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act ang apat na importer at broker na sinampa ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa smuggling dahil sa mga nasabat na pinuslit na kargamento.

Kabilang sa mga kinasuhan si Emmanuel Sulit, may-ari ng Meraki Car Trading at kaniyang customs broker na si Nicanor Sangcad. Ang dalawa ang nasa likod ng nadiskubreng isang unit ng Renault black van noong Pebrero 16.

Gayundin, kunasuhan ng ng BOC-Bureau Action Team Against Smugglers (BATAS) si Lovely Joy Pandes, may-ari ng Llorin Trading at kaniyang broker na si Christelle Joyce Tabusares na nag-import naman at sangkot sa misdeklarasyon ng isang unit ng McLaren 620R sports car na dumating sa bansa nitong Hulyo 16.

Swak din sa kaso si Denmark Locre, may-aring Flexhale Trading at customs broker na si Debbie Mae Tria na sangkot sa iligal na importasyon at hindi tamang pagdedeklara ng mga aluminum window frame at accessory.

Gayundin si Chang Luy Mohammad, isang pasahero na nagtangkang magpasok sa bansa ng nasa US$491,600 sa kaniyang bagahe noong Setyembre 21, 2019 sa Ninoy Aquino International Airport. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.