Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 inaresto sa P27M shabu

0 292

Apat na sinasabing bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakumpiskahan ng umaabot sa P27 milyon halaga ng shabu sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni QCPD Director PBRIG General Ronnie Montejo ang mga nadakip na sina Jinky Pascio Arbolado, Jhon Christopher Guzman, Cristina Burill, Siloren Tabiano, pawang nasa hustong gulang.

Base sa ulat, dakong 8:00 ng gabi (July 3) nang isagawa ang drug operation ng QCPD Laloma Police Station at ng PDEA RO-NCR sa Biak na Bato Corner Cuenco Street Barangay Sto Domingo Q.C.

Isang ahente ng PDEA ang nagpangggap na bibili ng shabu at habang nagkakaabutan na ng droga at pera ang magkabilang panig ay agad na pinosasan ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 4000 gramo ng shabu na may street value na P27 milyon, Honda Civic na may plate.number na WFC 653, 5 cellular phones at buy bust money.

Nakapiit na ang mga suspek sa PDEA Detention Center habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.