Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 informer itinumba sa harap ng pamilya

0 556

APAT na sibilyan na pinaghinalaan ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army na informer, ang pinatay sa harap ng kanilang pamilya sa Guihulngan City, Negros Oriental noong Biyernes, ayon sa Philippine Army.

Kinilala ng army ang napaslang na sina Ronelo Quirante, 56; Roger Fat, 46; Rodrigo Lubay, 46 at misis nitong si Sherryl, 44.

“The four were suspected by the NPAs to be responsible for the major setback they suffered during the encounter in the mentioned area on 23 March 2021,” sinabi ng Army base na rin a isang kalatas, Sabado ng gabi.

Sampung NPA members naman ang napatay at isa ang sugatan.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Melvin Flores, ng 62nd Infantry Battalion Commander, binaril ang apat na biktima sa harap ng kanilang pamilya.

“The families were left traumatized by the barbaric acts of the terrorist group,” sinabi ni Flores.

Naghatid naman ng pakikiramay ang army sa pamilya ng mga biktima. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.