Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4-kilong shabu sa bag iniwan ng lady pusher

0 54

Nasamsam ng mga awtoridad ang apat na kilong shabu na iniwanan sa bubungan ng isang tumakas na babae sa Quezon City, Sabado ng umaga.

Ayon kay Quezon City Police District Director P/Brig General Ronnie Montejo, alas-10:30 ng umaga (September 12) nang masamsam ng operatiba ng Kamuning Police Station 10, ang 4-kilong shabu na nakasilid sa travelling bag sa bubungan ng bakanteng apartment sa 31 Panay Avenue, Brgy Paligsahan.

Sa inisyal na report, isang babae ang pumasok sa bakanteng apartment at doon isinagawa ang pagtimbang ng dala nitong shabu subalit may nakakita dahilan upang isuplong ito sa awtoridad.

Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Kamuning Police Station subalit hindi na nila naabutan ang babaeng suspek na nakatalon mula sa bubungan ng gusali.

Nang halungkatin ang itim na travelling bag na iniwan sa bubungan ay bumulaga ang shabu na nagkakahalagang P27.2 milyon gayundin ang dalawang weighing scale.

Patuloy ang follow-up operation ng kapulisan upang tugisin ang nakatakas na suspek na nakilala sa pamamagitan ng identification card na naiwan nito sa bag, gayunman tumanggi pa ang pulisya na pangalanan ito hangga’t hindi naaaresto. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.