Abante Tonite Interactive

4 Koreano timbog sa tubos-carnap modus

By
3,291

Apat na Korean national ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ireklamo ng isa nilang kababayan dahil sa tubos-carnap modus sa Makati City.

Iniharap kay NBI Director Dante Gierran ang mga suspek na sina Young Tae Youn, Byung Wook Ahn, Kim Min Dung, at Park Hyun.

Nabatid na nagpasaklolo sa NBI ang isang Koreana na hindi na pinangalanan dahil nabigong isauli ang kanyang sasakyang Kia Picanto at Ford Eco-Sports na hiniram ng mga suspek.

Abante Hiring – IT dep

Hanggang sa isang tawag ang natanggap ng biktima at sinabihan umano ito na isasauli sa kanya ang dalawang sasakyan kapalit ng P1.360 milyon.

Sinabi pa umano sa biktima na magkita sila sa Casino Filipino sa Manila Bay at nang malaman ito ng NBI ay agad na ikinasa ang entrapment operation laban sa mga suspek.

Timbog ang mga suspek sa mga ahente ng NBI at narekober din ang dalawang sasakyan.

Kinasuhan sila ng paglabag sa Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016. (Juliet de Loza-Cudia)