Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 laglag sa Marikina buy-bust

0 117

Nalambat ng Marikina Police ang apat katao na nagbenta umano ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer sa ikinasang buy-bust operation, Huwebes ng gabi sa Barangay Marikina Heights, Marikina City.

Sa report ng Eastern Police District (EPD), sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sina John Oswald Isagre, 29-anyos; Arnel Lipaña, 50-anyos; Jerome Castro, 24-anyos; at Mageline Bautista, 24-anyos, pawang mga residente ng Marikina City.

Inaresto ang mga suspek bandang alas-sais ng gabi sa Valenzuela Street, Barangay Marikina Heights, kung saan naganap ang transaksiyon sa pagitan nila at ng buyer na pulis.

Matapos ang pagpasa ng droga, sumugod ang mga tauhan ng SDEU at 2nd MFC Company at agad dinamba ang mga suspek.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang walong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng apat na gramo ng shabu at nagkakahalagang P27,200; isang itim na leather coin purse; anim na P100 recovered money; at isang P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.