Abante Tonite Interactive

4 lane bridge kaysa rehabilitasyon ng Rockwell bridge

225

Inihayag ni dating Presidential Political adviser at na­ging pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Atty. Francis Tolentino na mas makabubuti umano kung gumawa na lamang ng panibagong 4-lane bridge sa Pasig River upang makatulong sa pagpapaluwag ng mga kalsada at pagsasaayos ng trapiko kaysa isara ang Rockwell bridge para sa P1.2 bilyon rehabilitasyon.

Nabatid na unang, tinutulan ni Tolentino ang gagawing pagsasara ng Rockwell bridge sa darating na Enero 19, upang bigyang-daan ang diumano’y pagsasaayos at pagpapalawak nito.

Iginiit ni Tolentino na walang madaliang dahilan para isara ang tulay dahil hindi naman ito sira at walang nakaambang panganib sa mga dumaraan dito.

Abante Hiring – IT dep

Dapat umanong masusing pag-aralan ang muling pagpapasara dito.

Alam umano ni Tolentino bilang dating tagapamahala ng MMDA, batid ang malawakang epekto ng pagsasara ng mga kalsada at tulay sa pangkalahatang daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Tolentino, dagdag na abala sa mga motorista ang paghahanap ng alternatibong daan kung isasara ang tulay ng Estrella-Pantaleon.

Kung may nakalatag namang alternatibong ruta, tiyak pa rin ang matinding pagsisikip ng trapiko sa mga kalsadang nakaugnay sa nasabing tulay.

Magugunita na noong 2011 lamang nabuksan ang Estrella-Pantaleon o Rockwell bridge na nagseserbisyo sa humigit kumulang 100,000 na sasakyan kada araw.
Dagdag pa ni Tolentino, ang 30 buwang pagsasaayos sa tulay ay nangangahulugan ng dala­wa at kalahating taong kalbaryo na naman sa ating mga motorista at mananakay na araw-araw nakikipaghabulan sa oras upang ‘di maiipit sa trapik at mas maagang makarating sa patutunguhan.

Ilang mga pagsasayos at kons­truksiyon pa ng mga kalsada at tulay ang nakalinyang pasimulan ng DPWH sa darating na mga buwan bilang bahagi ngBuild, Build, Build Program ng pamahalaan.