Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 lending app tinanggal ng Google

0 41

Tinanggal na ng Google LLC sa Play Store nito ang mga online lending app na JuanHand, Pesopop, CashJeep at Lemon Loan matapos ipag-utos ng National Privacy Commission (NPC) na alisin ang mga ito dahil sa paglabag sa privacy rights ng mga taong nag-download nito.

Nagpasalamat ang NPC sa ginawang aksiyon ng Google at ng National Telecommunications Commission para tanggalin ang mga naturang mobile app. Sabi ng NPC, nakipag-ugnayan na ito sa regional office ng Google para agad mapatupad ang kautusan.

Nanawagan si NPC Raymund Enriquez Liboro sa iba pang mga online lending app na kuhanin lamang ang impormasyon na kailangan mula sa loan applicant at siguruhing maayos at may pahintulot ito sa pagkuha ng impormasyon.

Ayon sa NPC, 2.1 milyong beses nang na-download ang mga nasabing app sa Google Play Store. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.