Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 lindol naitala sa Bulkang Kanlaon

0 96

Nakapagtala ng apat na lindol mula sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod dito nagpakawala rin ang bulkan ng katamtamang puting steam-laden plume na may 400 metro ang taas.

Naglabas din ang Kanlaon ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 562 tonelada kada araw noong Enero 5.

Nananatili naman ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugan ng pag-aalboroto nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.