Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 lindol naitala sa Kanlaon

0 104

Muling nakapagtala ng panibagong apat na lindol sa Bulkang Kanlaon kahapon.

Base sa bulletin kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs),

nagpakawala ang bulkan ng katamtamang puting usok na umabot sa 500 metro ang taas.

Naglabas din ang Kanlaon ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 892 tonelada kada araw noong Pebrero 27.
Ayon sa Phivolcs, nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” ito at pumasok na sa “period of unrest.”
Kaugnay nito minumungkahi ng PhivoIcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometrong radius na permanent danger zone ng Kanlaon dahil may tsansa pa rin anilang sumabog ang bulkan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.