Abante Tonite Interactive

4 lugar iko-convert sa medical facility ng DPWH

289

Mangangailangan ng 10-araw ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para mai-convert ang World Trade Center, Philippine International Convention Center (PICC), at dalawang sports complex ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ito ang nabatid kay DPWH spookesperson Atty. Anna Mae Lementilla kahapon kung saan nagawa na aniya ang buong plano para sa mga pansamantalang maging medical area para sa mga pasyente ng coronavirus disease, person under monitoring (PUMs) at persons under investigation (PUIs).

“The DPWH had proposed a 10-day period to construct PICC, PSC facilities and World Trade Center,” aani Lementilla habang ipinaliwanag ang napagkasunduang plano kasama ang Department of Health para sa pagbuo sa mga gagamiting lugar at pasilidad din ng mga health worker.

“They had already started the purchase and mobilization of construction materials to the proper places,” dagdag ni Lementila.

Pinanapos niyang saad na makakatuwang ng DPWH ang Department of Health (DOH) sap ag—ayos sa mga pasilidad base sa isang standard plan na makakaiwas sa mga posibleng pagkakahawa tulad sa paglalagay ng coding zones, hiwalay na reception at registration areas, may buffer zones, rest areas para sa mga frontliner at magkakahiwalay na lugar para sa mga positibo sa virus at ang mga nasa quarantine na PUMs at PUIs.

Una nang sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na nakahanda na ang malalaking pasilidad sa dalawang sports complex na Malate, Manila at Oranbo, Pasig para magamit na dagdag na lugar sa kinakapos na mga ospital sa bansa sa paglaban sa COVID-19 pandemic. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad