Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 marijuana online seller naharang sa checkpoint

0 178

HULI ang apat na kabataang turista na umano’y mga online seller matapos makumpiskahan ng tinatayang P1 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Sadanga, Mountain Province noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-Cor) ang mga suspek na sina Dan Mark; Laurence; Vince at John, pawang taga-National Capital Region (NCR).

Sa report ng PDEA-Cor kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nakatanggap sila ng intelligence information na may ibibiyaheng marijuana papuntang Metro Manila kaya naglagay sila ng checkpoint sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sadanga.

SM food to go Banner Ad

Dito, naharang ang sinasakyang Toyota Avanza ng mga kabataan at nang siyasatin ang loob ng sasakyan ay nadiskubre ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalagang P1 million.

Sinabi ng PDEA-Cor na ang apat ay sangkot sa online selling ng droga at ang nakumpiska nilang halos 10 kilong marijuana ay dadalhin sa umano sa Marikina City.

Hawak ngayon ng PDEA-Cor ang mga suspek. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.