Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 money changer pinahihinto ng BSP

0 19

Apat na money service business ang pinahinto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kahapon bilang bahagi ng isinasagawa nitong crackdown sa mga iligal na money changer.

Ayon sa BSP, diskwalipikado na bilang money service business ang: LM’s Money Changer o L.M.’s Money Changing Services sa Laoag, Ilocos Norte ni Monique Castro; ang Adahn Money Changer sa Maysilo, Mandaluyong City ni Tandiko Boyo; ang Mudzmar Money Changing Services sa Maysilo, Mandaluyong ni Farida Adjula; at ang Zhenrihada Money Changing Services sa Maysilo, Mandaluyong ni Tadzmahal Andag.

Dagdag ng BSP, diskuwalipikado na rin sa pagpapatakbo ng iba pang money service business ang mga may-ari ng apat na money changer. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.