Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 MTPB officer sibak sa pangongotong

0 193

Tinanggal na ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang 4 sa kanilang enforcer na nangotong umano sa sinitang negosyante sa Sta. Cruz Maynila.

Noong Miyerkoles binawi na ng MTPB ang ID, uniporme, radyo, at pangtiket ng apat na sangkot sa pangongotong na nakatalaga sa Escolta. Noong Agosto 18 umano alas-6:30 ng umaga ay sinila ng mga ito ang isang pribadong sasakyan na sakay ang negosyante.

SM food to go Banner Ad

Batay sa reklamo, hinahanapan umano ng paglabag ng lider ng apat na enforcer ang driver ng sasakyan, kabilang ang pagsusuot ng facemask at face shield. Para hindi na maabala nag-alok inalok ng P1,500 ng negosyante ang mga enforcer gayunman tumaas pa umano ang hiningi ng mga ito hanggang mauwi sa P7,000.

Matapos nito, nireklamo ng negosyante ang mga enforcer sa MTPB. Agad namang naglabas ng kautusan ang pamunuan ng pagsibak sa mga sangkot sa robbery/extortion. Ipinasauli rin ang pera ng negosyante.

Babala ni MTPB Chief Operations Officer Wilson Chan, walang lugar sa kanilang departamento ang pangnanakaw o pangongotong.

Leave A Reply

Your email address will not be published.