Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 na artista nagka-COVID sa taping

0 1,371

NI: VINIA VIVAR

May update ang veteral columnist/talent manager sa mga artistang na-infect ng virus sa isang taping na hindi naman niya binabanggit kung anon’g show at kung sino ang mga ito.

Sa bago niyang Instagram post, aniya ay 4 na artista na ang tinamaan ng COVID-19 habang naka-lockdown sa taping.

“Katakot na talaga dahil balita na iyon isang lock in taping na sa probinsiya ginawa meron 4 na kasali sa taping ang dinapuan ni coronavirus.

Related Posts

“So hindi rin pala safe iyon health protocol na lock in lahat afte ma-test na negative kasi as you go along, puwede pa rin maging positive. Wow naman, talagang hindi mo na alam kung ano ang gagawin, kahit pala after ng test importante rin iyon mag-ingat para mapanatili na hindi ka magiging biktima ni covid 19.

“Nakakapraning na siya talaga , at siguro nga mas mabuti pa na hindi lock in menus gastos pa sa production , kanya kanyang ingat na lang sa taping at talagang bawasan na lang ang tao na kasali para less ang contact. Huwag na tayo pahintuin ng takot , magtrabaho na lang , mag-ingat at magdasal. Hindi puwede istambay ng matagal, gutom ang aabutin,” ang post ni Nay Lolit.

Last week ay nag-post na rin ang columnist/talent manager na may isang artista raw na tinamaan ng virus sa taping. Naba-blind item din na isa raw direktor/aktor at isang lightman ang nag-positive sa COVID-19 habang nagti-taping.

Pero ang alam nga namin ay sumusunod naman sa right protocols ang mga produksyon at mahigpit talaga sila sa pagpapatupad. May rapid testing na nagaganap sa lahat ng artista and production staff before and after the lockdown taping.

Bukod dito ay may self-quarantine pa sila na 14 days after the taping. Kaya nga nakakapagtaka na nadadale pa rin talaga sila ng COVID. (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.