Abante Tonite Interactive

4 na boylet pinag-shabu saka minanyak

By
0 226

Pinagamit muna ng droga bago umano minolestiya ng isang 31-anyos na lalaking may kapansanan o person with disability (PWD) ang apat na kabataang estudyanteng lalaki sa Parañaque City kamakalawa.

Agad namang naaresto ang suspek na kinilala ni Senior Supt. Rogelio Rosales, hepe ng Parañaque City Police, na si Nelson Balmores, pangulo ng samahan ng mga PWD sa Barangay Don Bosco at taga-GK El ­Dorado Dulo, Parañaque.

Sa salaysay ng apat na biktima na nasa edad 14,15 at 17 na pawang high school student kay PO1 Diana Santos ng Parañaque Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), nangyari ang insidente noong Lunes makaraang utusan ng suspek ang mga biktima na bumili ng iligal na droga at dalhin ito sa kanyang bahay.

Sinunod naman ng apat na tinedyer ang utos su­balit pagdating nila sa bahay ng suspek, puwersahan umano silang pinagamit ng shabu at nang mabangag na’y sinimulan na umano silang molestiyahin isa-isa ng suspek sa pamamagitan ng pag-oral sex at pagla­laro sa kanilang ari.

Tinakot pa umano sila ni Balmores na huwag magsusumbong kung nais pa nilang mabuhay nang matagal.

Gayunman, kamakalawa ay nagkaisa ang mga biktima na magsumbong sa kani-kanilang mga magulang, na kaagad namang nagsama sa kanila sa pulisya at pormal na nagreklamo kaya dinakip si Balmores.