Abante Tonite Interactive

4 na suspek sa broadcaster killing pinatutukan ng DOJ

132

Naglabas na ang Department of Justice ng hold departure order (HDO) laban sa mga suspek sa pagpatay sa isang radio broadcaster sa Dumaguete City matapos na sampahan ang mga ito ng kasong murder.

Bukod sa HDO, bumuo rin si Justice Secretary Menardo Guevarra, chairman ng Presidential Task Force on Media Security ng special investiga­ting team para sa kaso ng biktimang si Dindo Generoso.

Ayon kay Guevarra, kabilang sa mga suspek na kinasuhan ng murder ay ang negosyanteng si Tomasino Aledro, Police Corporal Roger Rubio, retiradong pulis na si Glenn Corsame, at Teddy Salaw.

Sinabi pa ng kalihim na una na siyang naglabas noong nakaraang linggo ng immigration lookout bulletin order laban sa apat na suspek para i-monitor sila ng Bureau of Immigration.

Ang 67-anyos na si Generoso ay anchor ng programang ‘Konsencia sa Provincia’ ng himpilang DYEM FM BAI Radio

Tinambangan si Generoso noong Nobyembre 7 nang umaga sa Dumaguete City habang binabaybay ng kanyang kotse ang kahabaan ng Hibbard Avenue sa Barangay Piapi patungo sa nabanggit na radio station.