Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 nagbanta sa dating sports writer, kinasuhan

0 95

Pormal ng nagsampa ng kasong kriminal sa piskalya ang dating sports writer laban sa apat na dating agent nito sa isang construction firm na umano nagbabanta sa kanyang buhay matapos niyang sibakin ang mga ito.

Kasong grave threats ang isinampa kahapon sa Las Pinas City Prosecutors Office ni Virginia Rodriguez, dating sports writer ng Manila Bulletin laban sa mga suspek sina Christine Adaniel Escalante Reuyan at Mark Eudell Guerrero, habang slander naman kina Jose Gayoba, alyas Madam Lola at Myla Gumban.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa reklamo ni Rodriguez, sinabi nito na mula ng sibakin niya ang mga suspek ay pinagbabantaan na ang kanyang buhay.

Aniya, mula noong nakaraang linggo ay mayroong mga kotse na umiikot sa kanyang bahay upang manmanan siya, at mayroon din mga kahina-hinalang mga sasakyan ang sumusunod sa kanya tuwing siya ay lumalabas ng bahay.

Una na ring nagpa-blotter sa National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detectio Group (CIDG) si Rodriguez dahil sa death threats sa kanya ng mga suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.