Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 nagtampisaw sa Caloocan resort, COVID positive

0 282

Apat na indibidwal na nag-swimming sa Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan City ang nagpositibo umano sa COVID-19.

Ayon sa isang pahayag ni Atty. Sikini Labastilla ng COVID-19 Command Center sa naturang lungsod, isa sa apat na indibidwal ang may sintomas habang asymptomatic ang tatlo pa.

Aniya, base ito sa naging resulta ng COVID-19 test na kanilang ginawa sa 43 katao na bumisita sa Gubat sa Ciudad noong Mayo 9.

“Out of 123 na na-contact, 43 iyong napa-antigen test na namin. Out of the 43 na na-contact, apat iyong nag-positive. Iyong isa pinasok na sa facility… And then iyong tatlo, in the process of being admitted in a facility,” pahayag ni Labastilla nitong Lunes.

Dagdag pa ng abogado, isasailalim din sa COVID-19 test ang mga kapamilya ng mga nagpositibo.

May 164 indibidwal pa aniya ang hindi nila nako-contact dahil hindi sumasagot sa tawag o maling cellphone number ang nilagay sa record ng resort. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.