Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 napatay na Chinese galamay ng cartel

0 51

Isiniwalat ni Pangulong Ro­drigo Duterte na mga galamay ng international syndicate ang apat na Chinese national na napatay sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Zam­bales.

Sinabi ng Pangulo na ang isa sa mga napatay ay pinaka­malaking shabu importer sa Pilipinas na kinilala nito sa pan­galang Youhua Xu na miyembro umano ng transnational drug trafficking organization.

Nagsasagawa umano ng il­legal drugs trafficking ang mga napatay na suspek sa Southeast Asia at posibleng may koneksi­yon sa drug cartel sa Mexico.

SM food to go Banner Ad

Matatandaang nasa 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 bilyon ang nasamsam ng mga operatiba ng pamahalaan sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Zambales.

Nakasamdam pa ng 80 kilo ng shabu na nagkakahalaga umano ng P544 milyon sa fol­low-up operation sa Bataan. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.