Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 natagpuang walang malay sa kotse

0 108

Apat katao ang natagpuang pawang walang malay sa loob ng isang nakaparadang kotse sa Datu Montawal, Maguindanao, nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay Balumol Cadiding, Datu Montawal municipal disaster management officer, kinilala ang apat na biktima na sina Vanessa Escaner, 39; asawa nitong si Jayson Escaner, 31; Mary Jane Barcenilla, 48; at Juanito Tolemia, 55. Ang mga ito ay pawang isinugod at nagpapagaling na http://theshoalspharmacy.com ngayon sa Albutra Medical Hospital sa Kabacan, North Cotabato kung saan naniniwala ang mga awtoridad na biktima ng food poisoning ang apat.

“They are in stable condition according to attending doctors,” pahayag pa ni Cadiding.

Batay sa ulat, patungong Tacurong City ang apat matapos bumisita sa mga kaanak sa Midsayap, North Cotabato. Huminto umano sa isang lugar ang pamilya at bumili ng pagkain.

Natagpuan ng mga residente ang mga biktima na walang malay sa loob ng nakaparadang kotseng Toyota Vios sa Barangay Tunggol noong hapon ng Lunes.

Nang magkamalay, sinabi umano ni Vanessa na kumakain sila habang bumibiyahe nang bigla na lamang silang makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan hanggang sa mahilo. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.