Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 Navotas barangay COVID-free na

0 93

Matapos mailagay sa high risk ang Lungsod ng Navotas dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, inihayag ng pamahalaang lokal na apat sa kanilang barangay ang nakalaya na mula sa nakamamatay na sakit.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, base sa pinakahuling ulat ng city health department, alas-11:30, kahapon ng umaga, ang mga barangay na COVID-19 free na ay ang Bagumbayan North, Bagumbayan South, Navotas West at Tanza 2.

Sa kabuuan, may 76 aktibong kaso sa lungsod, anim na nagpositibo sa nasabing araw at 12 na gumaling.

Pumalo na sa 17,544 ang tinamaan ng CO­VID-19 sa fishing capital ng bansa at sa nasabing bilang ay 16,928 na ang gumaling habang hindi nadagdagan ang 540 pumanaw. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.