Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 Nigerian hacker laglag sa NBI

0 51

Kalaboso ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Solana Hills sa Sucat, Parañaque City ang apat na Nigerian national na sangkot umano sa sindikato ng international hacker.

Sa ginawang pagsalakay kasunod ng utos ni NBI director Eric Distor, kabilang sa mga inaresto nitong Huwebes ng umaga, ang 28-anyos na Pinay na may-ari ng bank account na ginamit upang makapag-over the counter withdrawal ang grupo sa mga nanakaw nito.

Ayon kay NBI Cybercrime division head Vic Lorenzo, sinagawa ang raid bitbit ang search warrant kaugnay ng ginagawang imbestigasyon ng ahensya laban sa grupo na umatake sa financial institution.

Sabi pa ni Lorenzo, natukoy na ng NBI ang mga Pilipinong kasabwat ng grupo at komokolekta na sila ng ebidensya laban sa mga ito.

Nabatid na nasa pagitan ng edad 23 hanggang 29 ang mga hinuling dayuhan. Giit ng mga ito nasa bansa sila hawak ang student visa.

“We are in the process of establishing their role in the crime, either the hackers or the syndicate’s men on the ground,” sabi ni Lorenzo.

Matatandaan na unang lumabas sa Abante Tonite ang ginawang pag-hack ng mga dayuhang suspek sa computer system ng United Coconut Planters Bank (UCPB) kung saan natangay ang P167 milyon. (Nancy Carvarjal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.