Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 NPA bumulagta sa sagupaan

0 141

APAT na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa magkakahiwalay na insidente sa Occidental Mindoro at Masbate.

Ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nakasagupa ng 68th Infantry Battalion (IB) at ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force ang nasa sampung hinihinalang rebelde sa Barangay Malpalon sa Calintaan, Occidental Mindoro.

Namatay ang isang NPA habang sugatan ang sundalo sa insidente noong weekend.

SM food to go Banner Ad

Sa sumunod na operasyon na isinagawa ng 4th IB, 76th IB, at 68IB, isang NPA member din ang tumimbuwang din ang isang NPA.

Sa Palanas, Masbate, nabatid na nakasagupa ng 2nd IB ang nasa 20 NPA sa Barangay Miabas.

Dalawang miyembro nito ang napaslang sa engkuwentro. (Kiko Cueto/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.