Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 NPA napatay sa Negros

0 65

Apat na miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang napatay sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno sa Brgy. San Pablo, Manapla, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Sa report ng northern Negros-based 79th Infantry Battalion (79IB) ng Philippine Army nakilala ang mga napaslang na sina Marilyn ‘Monet’ Badayos, finance officer ng NPA’s Northern Negros Front (NNF) at dating secretary ng South East Front; Ronilo ‘Wowie’ Desabille ng NNF propaganda education committee; at Rody ‘Brod’ Carbajosa, finance logistic officer ng NNF Sentro de Grabidad Platoon.

Ang pagkakakilanlan ng pang-apat na napatay ay kasalukuyan pang ina­alam.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay 1stLt. Dansan Camua, civil military operations officer ng 79IB, ang mga bangkay ng mga rebelde ay dinala na sa Manapla funeral homes sa Brgy. 1A.

“This successful encounter has signi­ficantly shaken the weakening organization of the communist terrorist groups in Negros. It’s sad that more lives were lost fighting for a senseless cause. This could have been prevented if they heeded our call for them to surrender and return to the fold of the law,” ani Lt. Col. J-jay Javines, commanding officer ng 79IB.

Leave A Reply

Your email address will not be published.