Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 OFW bulilyaso sa pekeng swab test

0 49

Ni Nancy Carvajal

Wala pa ring kadala-dala ang ibang overseas Filipino worker (OFW) na patungong Middle East sa paggamit ng pekeng swab test para lamang makaalis sa bansa sa kabila ng paulit-ulit nang babala ng mga awtoridad, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito’y matapos na masakote kamakailan ang apat pang OFW at kinasuhan ng falsification of public documents dahil sa pagsumite ng COVID-19 negative certificate na hindi naman sumasailalim sa swab test.

Batay sa reklamong inihain ng NBI Airport Division sa Pasay City Prosecutor’s Office, ang apat na OFW ay mga taga-Cavite, Davao de Oro, Palawan at Albay.

Kinasuhan sila ng paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code na may katumbas na parusang pagkabilanggo o multa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpakita umano ang mga naturang OFW ng COVID-19 test certificate mula sa EL ROI Medical Clinic and Diagnostic Center na matatagpuan sa San Andres, Maynila. Gayunman, itinangi umano ng nasabing clinic na naging pasyente nila ang apat na OFW.

Sinabi naman ng apat na binigay lamang sa kanila ang certificate ng dalawang staff ng isang recruitment agency sa Las Pinas na tinukoy na SURE JOBS International Manpower Agency Corp.

Kinilala rin ng mga ito ang kanilang recruiter na sina Percy Purog at Bern Navarro na nagpakilala umano na mga konektado sa recruitment agency.

Inihayag din ng apat na nanatili sila sa recruitment agency bilang “accommodation house” bago ang kanilang pag-alis sana.

Ayon sa mga imbestigador, magsasagawa sila ng hiwalay na imbestigasyon laban sa recruitment agency para hindi na maulit ang insidente ng paggamit ng pekeng COVID-19 negative certificate.

Leave A Reply

Your email address will not be published.