Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 OFW dinaya edad hinarang sa Clark

0 57

Apat na kababaihang overseas Filipino worker (OFW) ang pinigil ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport matapos na magpakita ng mga travel document kung saan nakasaad na mas matanda kaysa sa tunay nilang mga edad.

Sa ulat na ipinarating kay BI Commissioner Jaime Morente, sinabi ng Travel Control and Enforcement Unit na ang apat na hindi pinangalanang kababaihan alinsunod sa Anti-Trafficking in Persons Act, ay tinangkang sumakay sa isang flight ng Qatar Airways patungong Doha upang magtrabaho umano bilang mga household service worker (HSW).

Nagmula umano ang apat na babae sa timog na bahagi ng bansa. Dinala sila sa primary inspection officers para sa karagdagang imbestigasyon nang mapansin na hindi pare-pareho ang kanilang mga sagot

“The officers noted that the four gave highly inconsistent statements about their age and were unable to provide basic details about themselves,” sabi ni Morente.

Related Posts

Ayon sa BI, nananatiling 24-anyos ang itinakda ng gobyerno na minimum na edad upang makapagtrabaho bilang HSW sa Gitnang Silangan.

Sabi ni Morente, karamihan ng mga biktima ng human trafficking ay binibigyan ng pekeng dokumento para magmukhang mas matanda kaysa sa tunay nilang edad para makapasok sa trabaho sa ibang bansa.

Karamihan aniya ng mga nabibiktima ay mga menor de edad at kababaihan.

Dinala ang mga biktima sa Clark International Airport Inter-Agency Council Against Trafficking para sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanilang mga recruiter. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.