Abante Tonite Interactive

4 online seller ng alcohol swak sa overpricing

538

Apat na katao ang inaresto ng mga awtoridad sa Tondo, Maynila noong Huwebes ng hapon dahil sa pagbebenta online ng mga overpriced na alcohol.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director Brig. Gen. Ronnie Montejo ang mga inaresto na sina Jovelyn Gingo, 31; Kimper Joy Edoloverio, 26; Ignacio Cortes Jr., 63, at Michael Jade Pablo, nasa hustong gulang, pawang nakatira sa nasabing lungsod.

Base sa report, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pag-aalok online ng mga suspek ng 500ml ng isang brand ng alcohol na nagkakahalaga ng P170.00 kada isa samantalang P99.75 lamang ang suggested retail price nito.

Agad na nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa Department of Trade and Industry (DTI) at ikinasa ang buy-bust kung saan isang pulis ang tumayong buyer at bumili ng 126 botelya ng alcohol na nagkakahalaga lahat ng P22,000.00.

Bandang ala-1:30 ng hapon noong Huwebes, Abril 2, habang nag-aabutan ang magkabilang panig ng pera at ng alcohol sa Yuseco Street sa Barangay 231, Tondo, Maynila , Brgy 231, Tondo, Manila ay naglabasan na ang nakakubling mga pulis at pinosasan ang mga suspek.

Maliban sa narekober na buy-bust money, nakumpiska sa mga suspek ang 90 botelya ng branded alcohol na nagkakahalaga ng P15,750.00.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Field Unit sa Camp Karingal at inihahanda na ang mga demanda na sasampa laban sa kanila dahil sa pagbebenta ng overpriced na alcohol gayundin ang paglabag sa mga batas kaugnay ng state of calamity. (Dolly B. Cabreza)

Tonite – Wendys Inhouse Ad