Abante Tonite Interactive

4 OT ng Portland vs Denver, tatak sa kasaysayan

387

Sa kasaysayan ng NBA, dadalawang beses pa lang nagkaroon ng four-overtime sa playoffs.

Foul festival ang suma ng 111-105 win ng Boston Celtics kontra Syracuse Nationals noong April 16, 1953. Tumira ng tig-64 free throws sa laro ang magkabila.

Pero noong panahong ‘yun ay wala pang 24-se­cond shot clock. Kung sino sa Celtics o Nationals ang may posesyon, titigil kipkip ang bola. Gumagapang ang laro, napipilitan ang kabila na mag-foul.

“The game was stagnant,” pahayag ni Boston guard Bob Cousy sa NBA.com.
“Teams literally started­ sitting on the ball in the third quarter. That was the way the game was played: get a lead and put the ball in the icebox, while paying customers started reading the program. The whole game slowed up.”

Nitong Biyernes sa Portland, tinalo ng Trail Blazers ang Denver Nuggets 140-137 sa likod ng 3-pointer ni Rodney Hood sa Game 3 ng Western Conference semifinals. Pinantayan ng kanilang four-OT slugfest ang Celtics-Nationals game 66-taon na ang nakakaraan bilang pinakamahabang laro sa NBA postseason. (VE)