Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 pang iskul aprub na face-to-face

0 315

Apat pang kolehiyo ang pinayagan ni Manila Mayor Isko Moreno na magsagawa ng face-to-face class habang may pandemya.

Kabilang dito ang University of the Philippines Manila, Emilio Aguinaldo College, PHINMA St. Jude College, at National University na inaprubahan ang limitadong face-to-face class para sa kanilang medical at allied health programs.

Inaprubahan lahat ng alkalde matapos ang pulong sa mga kinatawan ng kolehiyo sa Manila City Hall.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakapagsumite na umano ang mga kolehiyo sa LGU ng kanilang plano kung paano sila susunod sa health protocols sa kanilang face-to-face sessions.

Kasabay nito, hinikayat ni Moreno ang mga dumalo sa pulong na magpabakuna kontra COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.