Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 pang Marlins player may Covid

0 232

Apat na players pa ng Miami Marlins ang nagpositibo sa COVID-19, kabuuang 17 na mula sa MLB team ang nabiktima ng virus ayon sa ulat ng USA Today Sports.

Dalawa sa mga dinapuan ng coronavirus ay coaches.

Noong Biyernes, inilagay ng Marlins sa injured list si catcher Jorge Alfaro pero walang binigay na dahilan.

Pagdating ng Linggo, na-scratch si pitcher Jose Urena mula sa kanyang scheduled start. Wala rin sa lineup ang dalawa pang regulars na sina Garrett Cooper at Harold Ramirez.

Inumpisahan ng Miami ang season laban sa Philadephia Phillies at naglaro pa rin noong Linggo sa kabila na wala ang tatlong starters bago ang first pitch.

Ang nangyari sa Marlins ang pinakamalaking outbreak na dumapo sa isang sports team.

Dahil sa positive tests, pinostpone ng Major League Baseball ang series ng Phillies kontra New York Yankees at ang series din ng Marlins laban sa Baltimore Orioles.

Higit 6,400 tests ang isinagawa ng MLB sa mga iba pang players na hindi mula Marlins, lahat naman ay negative. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.