Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 pang sawi sa plane crash tinukoy

0 111

Nakilala na ang apat pang bangkay mula sa bumagsak na C-130 military plane sa Sulu kamakailan, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Sa pahayag, kinilala ng AFP ang mga nasawi na sina Sergeant Jelson Sadjail, Corporal Alhamin Salahuddin, Private First Class Alzid Hawrani, at Private First Class Nazer Albaracin, na pawang mula sa Philippine Army.

Sa pamamagitan ng Western Minda­nao Command, nakipag-ugnayan na ang AFP sa mga mahal sa buhay ng mga nakilalang labi, at inihahanda ang transport at maayos na libing ng mga ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, umakyat na sa 33 ang mga labi na natukoy ng AFP, habang may 17 biktima pang kinikilala sa ngayon.

Magugunitang noong Hulyo 4, ang nasabing aircraft ay bumagsak sa Barangay Bangkal sa Patikul kasunod ng hindi tamang paglapag nito sa airport.

Ang death toll sa insidente ay 53, kabilang ang 50 sundalo at tatlong sibilyan. Samantala, 46 servicemen at apat na sibilyan ang nasugatan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.