Abante Tonite Interactive

4 paputok vendor dinampot sa Divisoria

369

Apat na vendor ng mga paputok ang dinampot ng mga tauhan ng Task Force Malasakit ni Manila Mayor Isko Moreno matapos galugarin ang Divisoria Miyerkoles ng umaga.

Nabatid na may apat na kahon ng mga paputok ang nasamsam sa mga hindi pa pinangalanang vendor na inaresto at dinala sa Dagupan Police Community Precinct.

Ayon kay kay retired Police Capt. Ernesto Manaois, ang hepe ng Task Force Malasakit, kinumpiska nila ang mga bawal na paputok, na iniba lang ang pangalan at packaging.

Kabilang sa mga nakuhang paputok ay ang ‘Pacquiao’ pero Piccolo pala at mayroon ding pambata ang packaging pero mga watusi ang nasa loob.

Alas-sais ng umaga nang galugarin ng task force ang lugar dahil sa impormasyong may ibinibentang mga paputok doon.

Nalaman na walang permit at wala talagang puwesto sa kanilang pagtitinda ang mga inaresto. (Juliet de Loza-Cudia)