Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 paslit nilamon ng ilog

0 132

Patay ang tatlong batang magkakapatid habang pinaghahanap pa ang isa nilang pinsan nang malunod ang mga ito habang nangingisda sa Cabadbaran river sa Agusan Del Norte kamakalawa.

SM food to go Banner Ad

May edad 8, 9, at 14 ang mga nasawi habang 11-anyos ang pinsan nilang nawawala, ayon kay Agusan del Norte Police Provincial Police Office (PPO) Director Col. Martin M. Gamba.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nagkayayaang mangisda ang mga biktima na pawang residente ng Purok 8, Brgy. Mabini sa Cabadbaran river. Pero dahil sa patuloy na pag-ulan ay lumaki ang tubig sa ilog kaya posibleng tinangay umano ng rumaragasang tubig ang mga bata. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.