Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 patay sa Caloocan fire, kilala na

0 45

Natukoy na ng mga awtoridad ang apat na magkakamag-anak na nasawi sa naganap na sunog sa Caloocan City noong Huwebes ng tanghali.

Sa report ni Caloocan City Fire Director F/ Supt. Roberto Samillano Jr., kinilala ang namatay na sina Teresita Arevalo, 67; anak nitong si Ricardo, 45; mga kaanak na sina Cecelia Flores at Margaret Flores, mga taga-Kalabawan Compound, Namie St., Brgy.37, Maypajo. Caloocan.

Tinangkang iligtas ni Ricardo ang ina pero nakuryente ang huli kaya nakulong sila sa nagliliyab nilang bahay. Nabagsakan naman ng debris si Cecilia habang nakuha ang katawan ni Margaret sa umapoy na L300 van na nadamay sa sunog.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, ligtas at nagpapagaling na sa ospital sanhi ng mga minor burns ang naiulat na nawawala na si Danny Tambungi.

Magugunitang nagliyab ang bahay ng mga Alvarado nitong Huwebes ng alas 12:51 ng tanghali kung saan 15 bahay pa ang natupok. Idineklara itong fire out ganap na ala-1:40 ng tanghali. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.