Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 Pinay pa-Dubai hinarang sa pekeng virus test

0 182

Imbes na sa Dubai, sa selda napunta ang apat na babae matapos umano nilang magpresenta ng pekeng COVID-19 result sa mga awtoridad.

Ayon sa isang ulat, palipad sana ng Albania ang mga babae subalit sumabit sila sa Bureau of Immigration (BI) matapos mablangko nang tanungin kung saan sila tutuloy at ano ang kanilang itinerary.

Dahil dito, napaamin ang apat sa National Bureau of Investigation (NBI) na sa Dubai talaga ang kanilang punta para sana magtrabaho.

Dagdag pa rito, natuklasan din na peke ang mga ipinakitang COVID-19 result ng apat.

“Sinabi ng diagnostic center na wala silang ni-release na ganoong test report dahil hindi naman nila in-examine ang mga ito,” ani Atty. Ruel Dugayon ng NBI sa isang panayam.

Kasalukuyang nahaharap sa reklamong falsification of documents ang mga babae. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.