Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 Pinay worker buking sa pekeng Europe trip

0 106

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino In­ternational Airport ang pag-alis ng apat na babaeng overseas Filipino worker (OFW) na hinikayat upang magtrabaho bilang household service worker (HSW) sa Dubai ngunit nagkunwaring magtatrabaho sa Eu­rope.

Sa isang ulat kay BI Commissioner Jai­me Morente ng Travel Control and En­forcement Unit, ang mga pasahero ay nag­tangkang sumakay sa isang Emirates flight patungong Dubai sa NAIA Terminal 3 noong July 12 nang sila’y harangin.

Una silang nagpakita ng ta­mang working permit at visa upang mag­trabaho sa pagiging kasambahay o tauhan sa bodega sa Albania ngunit kalauna’y inamin na tinanggap sila upang magtrabaho bilang mga HSW sa Dubai. Inamin din nila na hindi sila tutuloy sa Europa.

“This is a type of third country recruit­ment, wherein victims are given documents for one country, but end up being deployed in another. In many instances, victims are made to accept conditions that are other­wise not acceptable just to be deployed for work,” ani Morente. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.