Abante Tonite Interactive

4 PMA doc pinatatanggalan ng lisensya

0 144

Sinampahan ng kasong administratibo na malpractice sa Professional Regulation Commission (PRC) ang apat na doktor sa Philippine Military Academy (PMA) Hospital dahil sa pagkamatay ng PMA Cadet na si Darwin Dormitorio.

Inireklamo ng pamilya Dormitorio sa PRC ang mga doktor na sumuri kay Dormitorio noong Setyembre 18 makaraang mabiktima ng hazing o pananakit ng mga upperclass men nito sa PMA.

Nais din ng pamilya na matanggalan ng lisensiya ang mga doktor ng PMA Hospital na sina Captain Flor Apple Apostol, Major Maria Beloy, Lt. Col. Cesar Candelaria at Captain Allain Saa.

Naniniwala si Dexter Dormitorio, kapatid ng biktima na mali ang medical assessment ng naturang mga doktor kay Darwin.

Sinabi pa nito na nagkaroon ng kapabayaan ang mga doktor na naging sanhi ng kamatayan ni Darwin.

Una nang sinabi ng mga doktor na upper tract infection o UTI ang sakit ni Darwin pero kalaunan ay nalamang dahil sa hazing ang pananakit ng tiyan nito, mga pasa at iba pang bugbog sa katawan. (Juliet de Loza-Cudia)