Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 preso todas sa jailbreak

0 110

Todas ang apat na preso na kabilang sa 11-inmates na nagtangkang tumakas habang isang jail guard naman ng Bureau of Jail Management and Penology personnel (BJMP) ang sugatan sa Liangga District Jail, sa Surigao del Sur nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay BJMP spokeperson Jail Chief Inspector Xavier Solda, alas-6:50 ng umaga nang maganap ang insidente.

Sa inisyal na report, naghahanda nang mag-almusal ang mga duty personnel nang sunggaban ng 11 preso ang isa sa mga jailguard na noon ay magbubukas ng gate ng selda para ipasok ang kanilang pagkain.

SM food to go Banner Ad

“Na-overpower nila ‘yung duty na nagbubukas ng gate ng selda at nagawa nilang makalapit sa secondary gate. ‘Yung duty natin sa secondary gate ay nagawa pang mag- warning shot subalit dahil na rin sa bilis ng mga pangyayari at dami ng sumugod sa kanya, maging siya ay na-overpower, naagaw ang baril nito” pahayag ni Solda.

Agad namang rumesponde ang iba pang duty personnel na nagresulta sa palitan ng putok kung saan apat na preso ang namatay at isang personnel ang sugatan matapos saksakin ng improvised bladed weapon nang makipambuno sa grupo ng mga presong papatakas.

Ang nasawing inmates ay hinihinalang miyembro ng communist terrorist group na New People’s Army (NPA). (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.