Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 preso umeskapo sa presinto

0 73

Nakapuga sa kulungan ang apat na preso matapos lagariin ang rehas na bakal ng kanilang kulungan sa Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD Director PBRIG General Danilo Macerin ang nakatakas na sina Glenn Louie Limin; Marvin Inciong; Joel Sanchez at Ronald Buenafe.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat, alas-2:58 ng madaling araw (January 7) nang makatakas ang mga preso sa Galas Police Station 11 na may mga kasong pagtutulak, paggamit ng iligal na droga at robbery.

Sa kuha sa CCTV, nakalusot ang mga preso nang maputol nila ang bakal na kulungan.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ni PBGen. Macerin ang manhunt operation laban sa mga suspek at sinibak na rin ang nakatalagang duty jailer. (Dolly B., Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.