Abante Tonite Interactive

4 pulis nilikida sa Negros

286

Patay ang apat na pulis matapos silang tambangan ng armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army Huwebes nang hapon sa bayan ng Ayungon, Negros Oriental.

Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang mga nasawing pulis dahil hindi pa naiimpormahan ang kani-kanilang mga pamilya.

Sa inisyal na ulat ng Negros Oriental Police, als-2:30 nang hapon nang maganap ang insidente sa Sitio Yamot, Brgy. Mabato, Ayungon.

Abante Hiring – IT dep

Sa imbestigasyon, lulan ng puting Badja at isang kulay itim na Badja at pulang XRM na motorsiklo ang mga biktima nang tambangan ng mga armadong rebelde malapit sa bahay ng isang Oto Anadon, sa nasabing lugar.

Sa nasabing pananambang ay nasawi ang apat na biktima na na tadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy pa imbestigasyon ng pulisya sa kaso. (Edwin Ba­lasa)