Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 pulis sa checkpoint niratrat

0 693

Sugatan ang apat na pulis na nagbabantay sa quarantine control checkpoint matapos silang pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army sa Concepcion, Misamis Occidental Biyernes ng umaga.

Bagama’t sugatan ay hindi naman nagpatalo ang mga pulis na nakilalang sina Police Cpl. Marvin Inton, Police Staff Sgt. Larry Milan, Police Cpl. Leo Gumisad at Patrolman Ritchel Tanola, at agad nagsagawa ng defensive position dahilan upang mapatay ang isa sa mga rebelde habang sugatan din ang iba pa sa mga kasama nito.

Naganap ang insidente alas-7:50 ng umaga sa control quarantine checkpoint sa command post sa Brgy. Putongan ng nasabing bayan nang paputukan sila ng mga miyembro ng NPA mula sa Guerilla Front ‘Sendong’.

Rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company of Misamis Occidental Provincial Police Office at mga sundalo kaya agad na umatras ang mga rebelde.

Dinala na sa pagamutan ang mga pulis habang tinutugis na ang mga tumakas na suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.