Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 pumila sa pantry ni Angel may sintomas ng COVID

0 282

Apat na katao na pumila sa birthday community pantry ng aktres na si Angel Locsin at nagpa-swab test ang nakaramdam ng sintomas ng COVID matapos na isa dito ang makaramdam ng pananakit ng ulo, nawalan ang panlasa at pang-amoy.

Ayon kay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) Chief Dr. Rolando Cruz, tatlong indibidwal ang nagpa-book para sa ‘swab test’ ay asymptomatic habang ang isa pa ay nakaramdam ng pagkahilo, nawalan ng panlasa at pang-amoy na sintomas na nagtataglay ito ng virus.

“Today is the fifth day since Ms. Locsin’s event. The average incubation period for COVID-19 is approximately five days. So we call on everyone who went to last Friday’s gathering, please report to us and have yourself tested. If there was a transmission and you were exposed, you may observe some symptoms manifesting starting today,” pahayag ni Cruz.

Muli ay nanawagan ang QC LGUs sa mga apektadong residente at mga pumila sa ‘community pantry’ ni Locsin na makipag-appointment para isailalim sa COVID test via online . (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.