Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 rebelde sumuko

0 51

KUSANG LOOB na sumuko ang apat na miyembro ng isang grupo ng mga rebelde sa Aurora.

Sa report, sumuko ang mga ito sa tanggapan ng Police Regional Office 3.

Mga dating miyembro ito ng Militiang Bayan at residente ng bayan ng Dipaculao.

Nanawagan naman ang mga otoridad sa mga iba pang rebelde na sumuko na sa batas maging ang kanilang armas at magbagong buhay.

Ang pagsuko ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP alinsunod sa Executive Order No. 70 ni President Rodrigo Duterte laban sa mga terorista at mga komunistang grupo sa bansa. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.